This is the day that our Lord has made!

Rejoice! God is good all the time! Mama Mary really loves us...

Mga kwentong may kinalaman sa buhay mo kasama sila Hesus at Inang Maria...

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Si Hesus, Maria at Ako...: Nueva Ecija, ang saya! ;)

Si Hesus, Maria at Ako...: Nueva Ecija, ang saya! ;): Yey, susulat ulit ako dito... Ang saya ng mga naging araw ko sa Probinsya namin sa Nueva Ecija... Pagdatin...

Nueva Ecija, ang saya! ;)

          Yey, susulat ulit ako dito...
          
          Ang saya ng mga naging araw ko sa Probinsya namin sa Nueva Ecija... Pagdating ko dun nasigawan agad ako ni Jelo, isa sa mga tinuring kong kapatid at inalagaan ko rin noon; sabi nia "Hoy! kuya Mon!"; nakakatuwa kasi di ako nakalimutan ni Jelo, 4 yrs. old palang yata sya ngayon at almost 8 10months ko syang di nakita pero naaalala pa rin nia ako... Ayun, ciempre katulad ng lagi naming ginagawa dun "GALA" kasama c Miko at ung mga pinsan nila; c Annie at Joy... C Daniel at Omar kc eh nasa Youth Camp together with Rjay Manalili... Pagpunta ko sa bahay nila eh c Miguel ay tulog at puyat daw kasi 5am na siya umuwe galing school kaya ang naabutan ko dun eh si Dikong Kenneth... Tapos paggising nia gala ulit... Naglalaro din kami ng Playstation2 dun sa bahay nila.. Napakasaya ko talaga dun sa kanila parang natumbasan ang halos 10 months namin na di pagkikita, sobrang nagEnjoy ako dun sa Malabon-Kaingin, NE; kahit na isang araw lang ang tinagal ko dun eh katumbas nun ay endless happy memories kasama yung mga taong tinuring kong kapamilya at kapatid... Actually hindi na nga ako nakapunta ng Youth Camp eh, in-invite pa naman ako dun ni Rjay Manalili, dumalaw lang ako dun, paano sobrang miss ko na kc mga kapatid ko eh cla Miguel, Miko at Jelo pati mga kaibigan ko dun sa lugar nila at hindi ko naiwasang maglibot at gumala kasama cla, hehehe... Sayang nga eh di pa daw kapanahunan ng mga Mangga at Guyabano kaya wala tuloy ako nauwe sa amin nun...
          
          Syempre, hindi mawawala ang pag-dalaw namin sa totoong kamag-anak namin dun sa Aliaga, San Felipe (M), Nueva Ecija, halos 2 sakay lang ang layo papunta kanila Miguel... Ayun, nakilala ko mga Tita at Tito ko pati mga pinsan at mga pamangkin ko dun... At pagsapit ng Nov. 1 eh pumunta rin kami sa Brgy. Mayapyap, Cabanatuan City, dun sa bahay ng mga pinsan ko, nandun din mga barkada ng Tatay ko, habang kasama ni Tatay mga Dabarkads  nia dun eh kami nman ng kapatid ko eh naghanap ng Computer shop pra makapag-Net... tapos dumalaw kami sa Sementeryo. Parang 1st time ko nga lang nakapunta dun sa mga Angkan ko kasi maliit pa ko nun ng pumunta kami dun siguro mga 5 yrs. old pa lang ako nun... Ang natatandaan ko pa nga eh sa labas kami naliligo dun sa may poso... Pagdating ng hapon eh bumalik na kami ng Aliaga...
           
          Anu pa bang masasabi ko... Ang sarap bumalik sa lugar na tinuturing mong pangalawang tahanan mo; ang Probinsya... Sariwang hangin, gulay, prutas, mga karne at isda... hmmm, nakakamis ung mga lutong ulam dun pati mga deserts katulad ng Ube at inangit... hehehe, babalik-balikan ko talaga ang mga bagay na yan... Hindi ako binigo ni God, Jesus at Mama Mary, tinupad ni God ang prayer ko na makita muli mga kapatid ko na cla Miguel, Miko at Jelo... Walang imposible sa Diyos basta maghintay ka lamang...