Dati nung hindi pa ko Choir at member ng Legion of Mary eh prang wla lang sakin ang lahat ng kaganapan sa Misa. Nagsisimba ako minsan tuwing linggo lalo na pagnagkaayaan ang mga barkada ko, pero mas madalas na ako lang mag-isa at dun ako nakapwesto sa taas ng hagdan na naka-upo minsan sa likod ng Simbahan na nakatayo lang.. Wala akong paki-alam kung sinong Pari o mga choir basta andun ako maghihintay na magkasubuan na ng ostya at maghihintay matapos ang Mass tapos uwi na. Di ko pinapansin kung anung sinasabi ng Pari minsan sa Homily. Pero may time na medyo funny ang pari dun ako ginaganahan makinig, may araw din na boring ang Pari mag-homily lalo na yung mga matatanda na talaga, hehehe
pero nung naging member ako ng Choir (saka ko keKwento kung panu ako naging Choir, nakakatuwa); at ng Legion of Mary biglang nagbago ang lahat, lagi ko ng tinatanong kung sinong Pari at inaalam ko rin kung sino ang mga kakantang choir at syempre sumasabay na rin akong kumanta... Tapos habang tumatagal alam ko na rin ang mga ibig sabihin ng mga ginagawa ng Pari sa Misa hanggang sa makabisado ko na rin yung mga sinasabi niya, ahahaha... Dahil din sa pagsali ko sa Legion of Mary nalaman ko na malaki pala ang ginampanan ni Inang Maria sa pagkakaligtas ng tao mula sa kasalanan dahil sa kanyang anak na si Hesus...
Alam ko na rin na di pla basta-basta kinakain lang yung ostya isa pla itong katawan ng Diyos (Hesus) na ibinabahagi sa bawat isa na naroroon sa Misa upang kanilang tanggapin si Hesus... Haysss, masaya talaga pagmarami ka ng nalalaman sa Misa, ahehehe Kaya yan ang mga dati kong experience, share-share lang...
Yan mga Choirmates ko... |
1 komento:
ang sarap talagang mag serve kay God.
Mag-post ng isang Komento