This is the day that our Lord has made!

Rejoice! God is good all the time! Mama Mary really loves us...

Mga kwentong may kinalaman sa buhay mo kasama sila Hesus at Inang Maria...

Linggo, Pebrero 19, 2012

Seminar ulit! ;) Feb.18-19,2012


             Long time no write ako d2 ah, hehe, Kwento ko lng yung Seminar na inatenan ko ulit sa aming Community ang Loved Flock Catholic Charismatic... Sa totoo lng mga pamPitong attend ko na yun, kahit na minsan n kaka-antok na eh ok lang di nman nkakasawang kaminig ng mga Miracle ni God mula sa mga speakers, so inspiring... Memorable din yung araw na Feb. 18 kc birthday yun ng isa kong kaMember sa choir c John Lloyd Sotoza, 2 days lagi ang seminar, Sat. at Sun, Feb. 18 - 19, 2012... 

              Medyo may ibang momentum ang nangyari ngayong attend ko sa seminar kc may naMeet akong new friends mula d2 sa Community namin, sila ang VIP Youth Ministry gaya nila Val, Deniece at Matty... Sa katunayan nga eh may plano kaming mgtulungan together with my Music and Youth Members na mapalawak pa ang mga gawain nmin para sa mga kabataan at sa paglilingkod sa Diyos...
              Kahit na nakakapagod ang byahe ok lang, sanayan lang kc worth naman kapag natapos ang Seminar, ika nga ni Bro. Vincent "Bing-bong" Crisologo - after ng Seminar "your life will never be the same again!" at totoo yun, malaki naging change ng life ko at ng pamumuhay nmin ng Family at friends ko... God is good all the time!


 "Surrender all to God and He will not leave you nor forsake you..."
                God bless us more, Mama Mary loves us all, Jesus saves us all...

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Si Hesus, Maria at Ako...: Nueva Ecija, ang saya! ;)

Si Hesus, Maria at Ako...: Nueva Ecija, ang saya! ;): Yey, susulat ulit ako dito... Ang saya ng mga naging araw ko sa Probinsya namin sa Nueva Ecija... Pagdatin...

Nueva Ecija, ang saya! ;)

          Yey, susulat ulit ako dito...
          
          Ang saya ng mga naging araw ko sa Probinsya namin sa Nueva Ecija... Pagdating ko dun nasigawan agad ako ni Jelo, isa sa mga tinuring kong kapatid at inalagaan ko rin noon; sabi nia "Hoy! kuya Mon!"; nakakatuwa kasi di ako nakalimutan ni Jelo, 4 yrs. old palang yata sya ngayon at almost 8 10months ko syang di nakita pero naaalala pa rin nia ako... Ayun, ciempre katulad ng lagi naming ginagawa dun "GALA" kasama c Miko at ung mga pinsan nila; c Annie at Joy... C Daniel at Omar kc eh nasa Youth Camp together with Rjay Manalili... Pagpunta ko sa bahay nila eh c Miguel ay tulog at puyat daw kasi 5am na siya umuwe galing school kaya ang naabutan ko dun eh si Dikong Kenneth... Tapos paggising nia gala ulit... Naglalaro din kami ng Playstation2 dun sa bahay nila.. Napakasaya ko talaga dun sa kanila parang natumbasan ang halos 10 months namin na di pagkikita, sobrang nagEnjoy ako dun sa Malabon-Kaingin, NE; kahit na isang araw lang ang tinagal ko dun eh katumbas nun ay endless happy memories kasama yung mga taong tinuring kong kapamilya at kapatid... Actually hindi na nga ako nakapunta ng Youth Camp eh, in-invite pa naman ako dun ni Rjay Manalili, dumalaw lang ako dun, paano sobrang miss ko na kc mga kapatid ko eh cla Miguel, Miko at Jelo pati mga kaibigan ko dun sa lugar nila at hindi ko naiwasang maglibot at gumala kasama cla, hehehe... Sayang nga eh di pa daw kapanahunan ng mga Mangga at Guyabano kaya wala tuloy ako nauwe sa amin nun...
          
          Syempre, hindi mawawala ang pag-dalaw namin sa totoong kamag-anak namin dun sa Aliaga, San Felipe (M), Nueva Ecija, halos 2 sakay lang ang layo papunta kanila Miguel... Ayun, nakilala ko mga Tita at Tito ko pati mga pinsan at mga pamangkin ko dun... At pagsapit ng Nov. 1 eh pumunta rin kami sa Brgy. Mayapyap, Cabanatuan City, dun sa bahay ng mga pinsan ko, nandun din mga barkada ng Tatay ko, habang kasama ni Tatay mga Dabarkads  nia dun eh kami nman ng kapatid ko eh naghanap ng Computer shop pra makapag-Net... tapos dumalaw kami sa Sementeryo. Parang 1st time ko nga lang nakapunta dun sa mga Angkan ko kasi maliit pa ko nun ng pumunta kami dun siguro mga 5 yrs. old pa lang ako nun... Ang natatandaan ko pa nga eh sa labas kami naliligo dun sa may poso... Pagdating ng hapon eh bumalik na kami ng Aliaga...
           
          Anu pa bang masasabi ko... Ang sarap bumalik sa lugar na tinuturing mong pangalawang tahanan mo; ang Probinsya... Sariwang hangin, gulay, prutas, mga karne at isda... hmmm, nakakamis ung mga lutong ulam dun pati mga deserts katulad ng Ube at inangit... hehehe, babalik-balikan ko talaga ang mga bagay na yan... Hindi ako binigo ni God, Jesus at Mama Mary, tinupad ni God ang prayer ko na makita muli mga kapatid ko na cla Miguel, Miko at Jelo... Walang imposible sa Diyos basta maghintay ka lamang...

Huwebes, Setyembre 15, 2011

Ang pagtitimpi! hehehe


     matagal rin akong di nkapagOpen d2 ahh.. Sobrang saya ko kasi s mga nkalipas na araw eh sobarang saya ko kaya ang mga masasamang elemento eh naiinggit at pilit akong ibinabagsag, haysss...

LORD, tulungan NIYO po ako magtimpi, pinapalibutan po ako ng mga taong nagpapakulo ng dugo ko at ng mga masasamang spirito na nagpupuno ng poot at galit sa puso ko... Grrrr.... WAR ba hanap nila?! War they want , i give them humility , love and peace... God bless them all...

Hayss... Thanks sa mga Formation at nagoGrow ang spiritual life ko, hahaha Thanks God for the blessings/ knowledge of understanding...

eto nman advice sakin...
 
ng Sjc Parish - Pray, pray, pray.. tama po iyan.. tayo ang kanyang mga pastol at nais nya na gawin natin kung ano ang naayon sa kagustuhan nya at yun ay ang pagiging humble at patient sa mga taong nakapaligid sa atin..

hindi pababayaan ni Lord ang mga nananatiling tapat sa Kanya...

   

Lunes, Agosto 8, 2011

Dati-rati...

Dati nung hindi pa ko Choir at member ng Legion of Mary eh prang wla lang sakin ang lahat ng kaganapan sa Misa. Nagsisimba ako minsan tuwing linggo lalo na pagnagkaayaan ang mga barkada ko, pero mas madalas na ako lang mag-isa at dun ako nakapwesto sa taas ng hagdan na naka-upo minsan sa likod ng Simbahan na nakatayo lang.. Wala akong paki-alam kung sinong Pari o mga choir basta andun ako maghihintay na magkasubuan na ng ostya at maghihintay matapos ang Mass tapos uwi na. Di ko pinapansin kung anung sinasabi ng Pari minsan sa Homily. Pero may time na medyo funny ang pari dun ako ginaganahan makinig, may araw din na boring ang Pari mag-homily lalo na yung mga matatanda na talaga, hehehe
pero nung naging member ako ng Choir (saka ko keKwento kung panu ako naging Choir, nakakatuwa); at ng Legion of Mary biglang nagbago ang lahat, lagi ko ng tinatanong kung sinong Pari at inaalam ko rin kung sino ang mga kakantang choir at syempre sumasabay na rin akong kumanta... Tapos habang tumatagal alam ko na rin ang mga ibig sabihin ng mga ginagawa ng Pari sa Misa hanggang sa makabisado ko na rin yung mga sinasabi niya, ahahaha... Dahil din sa pagsali ko sa Legion of Mary nalaman ko na malaki pala ang ginampanan ni Inang Maria sa pagkakaligtas ng tao mula sa kasalanan dahil sa kanyang anak na si Hesus...
Alam ko na rin na di pla basta-basta kinakain lang yung ostya isa pla itong katawan ng Diyos (Hesus) na ibinabahagi sa bawat isa na naroroon sa Misa upang kanilang tanggapin si Hesus... Haysss, masaya talaga pagmarami ka ng nalalaman sa Misa, ahehehe Kaya yan ang mga dati kong experience, share-share lang...


Yan mga Choirmates ko...

Linggo, Agosto 7, 2011

Mama Mary and me

It was about past 8pm, kakatapos lang ng meeting namin sa Legion of Mary and as usual lahat kami ay nagtutulungan sa pagliligpit ng table namin, ako ang nagdala ng image ni Mama Mary at ng vexillium sa cabinet ng mga image, una kong nilapag yung vexillium then ng ilalapag ko na ang image ni Mama Mary biglang may nahulog sa ibabaw ng cabinet at tumama sa labi ko at nagkasugat ito ng maliit at muntik pang tumama sa mukha ko ngunit tumama muna ito sa ulo ng image ni Mama Mary at ng tinignan ko kung anu yun nabigla ako, yung Fluorescent light pati yung bahay nito pala ang nahulog at buti na lang hindi ito tumama sa mukha ko kung hindi baka nabasag ito at pwede pa akong mabulag, Salamat sa kabaitan ni Mama Mary hindi niya ako pinabayaan,... pero guess what kung anung nangyari dun sa Fluorescent light?, di ba dapat basag na iyon dahil above head ko ang binagsakan nun, haha, hindi nabasag, infact ginagamit pa ito hanggang ngayon at na-realize ko lang ang mga ito habang naglalakad ako papauwi sa amin at galak na galak ako ng mga sandaling iyon, para sa akin isa itong miracle ni Mama Mary, a miracle that save my life... I love you Mama Mary...